tattoos

Thursday, March 18, 2010

Too late the hero

Nais kong malaman... bakit ngayon ka lang dumating?

Dumating nung Lunes yung bago kong amo. Yung pinalit nila dun sa amo kong saksakan ng galeng pero tinira nila ng patalikod at ngayon ay pinapaaway nila sa abogado. Puti siya so kinabahan lahat ng tao sa opisina. Yung mga huli kasing puti na pinadala sa amin, walang kwenta. 

Pero shet. Ang galing niya. Mabait siya, magaling makitungo sa tao. Yung una niyang ginawa pagdating niya sa opisina, pagkatapos ilapag ang mga gamit niya sa mesa, ay kausapin at kilalanin ang bawat isa sa amin. Yung mga puti na unang pumasok, never nilang ginawa yon hanggang ngayon. Pati yung Intsik namin na opisina na parang limang salita lang ang alam sa Ingles, tiniyaga niyang kausapin ng mahigit kalahating oras. 

At nung nagsimula na kaming mag-isip ng concept para sa isang malaking proyekto. Pakshet. Para kaming kinuryente nung pinagsama. Higit pa sa chemistry. Alchemy siguro. Sapul na sapul ang istilo niya sa mga tipo ng proyekto na matagal ko nang gustong gawin. At sa tipo ng pagsusulat na pinakagusto ko. Ang kinalabasan ng brainstorming namin, hindi mo mapaghihiwalay kung ano ang naisip niya sa naisip ko. Matagal na akong hindi kinikilig ng ganito sa trabaho. 

Ang saya ko nung araw na yon. Nagsusulat ako, nag-iisip, nag-e-enjoy. Parang naging ako na 'ko ulit. Or yun yung ako na gusto ko maging nung una kong sinimulan ang trabahong 'to.

Napaisip tuloy ako kung nagkamali ako sa pag-alis. 

As in, napaisip talaga ako ng malalim.

Aalis pa rin ako. Ngunit hindi ako hihindi kung alukin nila ako magsulat paminsan-minsan. Siyempre, mamimili pa rin ako ng proyekto. Pero ang pinakamahalaga sa akin sa ngayon ay ang pagkakataong makatrabaho siya ulit.

Kasi sayang e. Bakit nga ba ngayon lang siya?

---


Sorry Pia! Let's chat about it na lang!

No comments:

Post a Comment

 

blogger templates | Blogger