kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang kumpanyang matagal na matagal ko nang gustong pasukan. may kinalaman ang trabaho ko sa dati kong ginagawa sa pinas, kaya masayang-masaya ako; pero tatlong linggo lang ang kontrata ko dito. bagamat maikli pa lamang ang pinagsamahan namin -- nakilala lamang nila ako noong pebrero -- ay naging masalimuot na ang aming kasaysayan nitong kumpanyang ito.
kaya walang kasing kapal ang aking mukha nung kausapin ko ang bossing dito nung miyerkules. nalaman ko kasi na ang tangi nilang manunulat ay lumipat na sa ibang kumpanya. kaya't tinanong ko ang mayordoma (lol) kung maaari ba akong magtrabaho dito bilang kapalit ng manunulat na umalis.
hindi niya ako masagot nang diretsahan. pag-uusapan daw nila ng creative director. (sorry, hindi ko talaga maisalin sa wikang pilipino iyon.) marami pa siyang sinabi na labis kong ipinagdamdam (ng saglit lang naman).
at kaya tayo napunta sa cabanatuan city ay... nag-a-ay-em sila ngayon. naririnig ko. at ako ang pinag-uusapan.
paano ko alam? tahimik ang opisina. kaming tatlo na lang ang nandito. malakas ang tunog tuwing may sumusulpot ng mensahe. nagpabalik-balik kami ng mensahi ni mayordoma. hinihingi niya ang dibidi ng mga gawa ko sa dating trabaho. pagkatapos naman ay sunod-sunod ang pagsulpot ng mensahe dito kay creative director.
ano kaya ang sinasabi nila tungkol sa akin?
abangan ang susunod na cabanatuan... este, kabanata.
yun lang.
|
|
---|
Friday, June 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment